Naging usap-usapin ang pagsali ng transwomen sa Miss Universe nang manalo sa Miss Universe Spain ang transwoman na si Angela Ponce.
Sang-ayon si Miss Universe 2015 Pia Wurztbach na makasali ang hindi natural-born women o transwomen sa beauty pageant, “It is allowed in Miss Universe. You can compete, you can win.”
Sumangayon din si Miss Universe 2018 Catriona Grey sa pagsali ng mga transwoman sa Miss Universe.
Meron namang hindi pabor tulad ni Miss Universe Philippines 2016 na sa si Maxine Medina, pinaliwanag niya na meron din namang right pageant para sa mga transwoman at aniya, para rin equal sa mga babae.
“Kung gusto talaga nilang sumali, may mga pageants naman na for them, na right for them, so let’s give them an idea na meron naman talagang pageant for them. Para naman equal din sa girls, ‘di ba?,” ani ni Maxine.
Sumagot din si Maxine patungkol sa impormasyon na payag ang Miss Universe Organization (MUO) na sumali ang mga transwoman, “Well, that’s good. I don’t have anything to say, yung president (MUO) na ang nagsabi. So it’s with them.”
Hindi rin pumabor si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na sumali ang mga transwoman sa Miss Universe pageant pero rerespetuhin nya raw ang desisyon ng MUO.
Pia Wurtzbach, sang-ayon sa pagsali ng mga transwoman sa Ms. Universe
Facebook Comments