Piagapo, Lanao Del Sur – isinailalim na sa state of calamity dahil sa patuloy na bakbakan ng militar at Maute group

Manila, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Piagapo, Lanao Del Sur dahil sa bakbakan ng militar at ng Maute Group.

Unang sumiklab ang laban nitong Biyernes (April 21) at sinundan ito kahapon.

Sa datos ng Piagapo Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nagsilikas ang higit sa 2,000 na mga indibidwal o nasa 416 pamilya habang sa bayan ng wao ay nasa 57 pamilya o nasa 200 indibidwal ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa labanan.


Kaagad namang namahagi ng relief goods ang pamahalaang lokal ng Lanao Del Sur sa mga sibilyan na nagsilikas.

Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga bandido.
DZXL558

Facebook Comments