Pido Jarencio, balik headcoach ng Globalport Batang Pier

PBA – Balik sa pagiging headcoach ng Globalport Batang Pier si Pido Jarencio sa muling pagbubukas ng 43rd season ng PBA sa December 17, 2017.

Papalitan ni Jarencio si Coach Franz Pumaren na nag-leave of absence ng isang taon para makapag-focus siya sa kaniyang trabaho bilang mentor ng Adamson University Falcons.

Mismong si Coach Pido ang siyang sumalubong sa mga kinuha nitong rookie kung saan agad silang gumawa ng hakbang sa naganap na draft.


Nabatid kasi na kanilang ipinagpalit ang nakuha nilang number 6 pick na si Rob Herndon at Andreas Cahilig sa Star Hotshots kapalit ng mga nakuhang rookie nito na sina Lervin Flores, Joseph Gabayni at Julian Sargeant.

Facebook Comments