PIGILAN ANG TERORISMO │Air patrol sa mga lugar na sakop ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia, isasagawa

Manila, Philippines – Isang Trilateral Air Patrol (TAP) agreement ang inilunsad kahapon ng bansang Malaysia, Indonesia at Pilipinas sa Subang Airbase Malaysia.

Ang kasunduang ito ay upang mapigilan na ang nangyayaring terorismo, poa­ching at kidnapping for ransom sa mga lugar na sakop ng tatlong bansa.

Ayon kay Major Gen. Restituto Padilla, AFP Deputy Chief for Plans isasagawa ang Trilateral Air Patrol partikular sa himpapawid ng katimugang Mindanao, hanggang sa teritoryo ng dalawang nabanggit na bansa.


Una nang inihayag ng militar na sa southern backdoor ng Minda­nao dumaan ang mga dayuhang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) para mag-reinforce sa Maute sa Marawi City na ngayon ay nasa 143 araw na sagupaan.

Habang karaniwan na ring kumukuha ng hostages ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa mga resort ng Malaysia at Indonesia na ang mga bihag ay itinatago sa Sulu.

Para kay MGen. Padilla isang magandang hakbang ang inilunsad na TAP para mas maging ligtas ang mga Pilipino, maging ang taga Malaysia at Indonesia.

Facebook Comments