‘Pikachu’ nagprotesta sa harapan ng Japanese Embassy

64
Image via BTA.bg

Suot ng ilang environmental activists ang Pikachu costume habang nagproprotesta sa harapan ng Japanese Embassy sa lungsod ng Pasay kaninang umaga.

Ang nasabing character ay isang sikat na Pokemon character at nagsimula sa bansang Japan.


Sumayaw at winagayway din ng ilang miyembro ng 350.org ang bandila ng Pilipinas. Hiling ng mga rallyista, huwag bigyan ng budget ang paggamit ng coal energy.

Ayon sa kanila, paggamit ng coal at fossil fuels bilang enerhiya ang isa sa malaking dahilan kung bakit maraming carbon ang hangin.

Mapayapa naman natapos ang kanilang kilos-protesta.

Facebook Comments

From Advertisers