Nagsimula ulit na humaba ang pila ng mga botante sa Cembo Elementary School.
Kaninang umaga ay dumagsa ang mga botante dahilan kaya hindi muna pinapasok ang mga ito bunsod ng mahigpit na safety protocols na ipinatutupad.
Pagsapit ng tanghali ay nabuwag ang pila dahil sa sobrang init at ang ilang mga botante na residente rin sa lugar ay nagsiuwian muna.
Ngayong hapon ay umabot na sa kabilang kalye ang pila dahil sa muling pagdami ulit ng mga pumupuntang botante.
Samantala, bukod sa problema sa mahabang pila at mainit na panahon, ay wala namang naging problema sa mga vote counting machines.
Prayoridad naman sa pagboto ang mga senior citizens at mga may kapansanan kung saan doon sa may malaking tent sa ground sila boboto para hindi na umakyat sa mga presinto.
Aabot naman sa 33 clustered precincts ang Cembo Elementary School at isa ito sa mga barangay na may pinakamaraming botante sa ikalawang distrito ng Makati.