Dahil sa muling pagbabalik ng turismo at unti-unting pagluwag ng mga restrictions dahil sa COVID -19 isa ngayon sa dinadagsa ng mga deboto ay ang pasyalan sa isang isla Sa lungsod.
Dinadagsa ng mga Katoliko ang isang higanteng imahe o estatwa ni Hesukristo sa Pilgrimage Island na matatagpuan sa Hundred Islands National Park kung saan ang naturang estatwa ni Jesus the Savior ay mayroong taas na 56 feet.
Makakarating sa nasabing lugar ang mga deboto sa pamamagitan ng pagsakay sa motorboat at sa pagdating dito ay maaari munang dumaan sa mga Stations of the Cross hanggang makarating sa tuktok ng isla.
Hinihikayat ang lahat na sakaling bibisita sa nasabing pasyalan ay magkaroon ng isang taimtim na pagdarasal upang alalahanin ang mga naging sakripisyo ng Diyos sa sanlibutan. |ifmnews
Facebook Comments