PILING PAARALAN SA LA UNION, KASAMA SA INILABAS NA LISTAHAN NG PILOT SCHOOLS PARA SA MATATAG CURRICULUM NG DEPED

Sa Region 1, tanging piling mga paaralan sa lalawigan ng La Union ang napasama sa listahan ng tatlumput limang pilot schools na napili ng Department of Education para sa Matatag Curriculum.
Dapat sa ay itong school year 2023-2024 dapat uumpisahan ang naturang curriculum ang kaso lang ay na-delay ang listahan ng mga kasamang magpa-pilot na eskwelahan.
Limang paaralan sa La Union ang magsisilbing pilot area kung saan sisimulan ang paggamit ng Matatag Curriculum.

Ang paglulunsad na ito ng DEPEd sa Matatag Curriculum ay siyang may layon na i-decongest ang kasalukuyan ngayong mga module na ginagamit ng mga estudyante at magfocus na sa mga key learning areas at foundational skills.
Kasama rin ang tig-limang paaralan sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, REGION II, REGION VII, REGION X11, at CARAGA. |ifmnews
Facebook Comments