Pilipinas, 10 taon pa bago makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic

Posibleng abutin pa ng 10 taon bago makabangon ang ekonomiya ng bansa sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Chua, kung pagbabasehan ang naging epekto sa bansa ng COVID-19 ay posibleng umabot sa P41.4 trillion ang utang ng Pilipinas.

Ibinabala rin ng opisyal na dalawa pang henerasyon ng mga Pilipino ang magbabayad ng mga nagastos sa COVID-19.


Habang pag-amin pa nito, mahirap makarekober ang consumption, investment at tax revenues dahil sa ipinatutupad na social distancing rules.

Sa ngayon, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 2.5 milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 38,493 ang nasawi.

Facebook Comments