Posibleng umabot sa dalawa hanggang tatlo taon bago makabalik sa normal ang Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi nito na posibleng sa 2023 pa makaranas ng normal na pamumuhay ang mga Pilipino.
Patuloy naman nitong iginigiit ang pagbabakuna kontra COVID-19 para maabot ng bansa ang herd immunity.
Batay sa huling datos ng gobyerno, umabot na sa 20 milyong Pilipino ang nakakumpleto ng bakuna sa bansa kung saan 22.5 ang nakatanggap ng unang shot.
Facebook Comments