Pilipinas, aabandonahin ang kasunduan sa UN ukol sa karapatan ng mga bata sa sandaling ipatupad ang mandatory ROTC

Manila, Philippines – Nagbabala ang Child Rights Network o CRN para na rin inabandona ng Pilipinas ang mga kompromiso nito sa United Nations sa sandaling ipatupad ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa senior high.

Sa isang kalatas, iginiit ng grupo na lalabagin ng gobyerno ang UN Convention on the Rights of the Child na nagbabawal sa pag-recruit ng mga nasa edad 16 o mababa sa 18-anyos para maging mandirigma.

Kasunod naman ito ng pagkakapasa ng House Bill 8961 o ang pagtatakda ng mandatory ROTC para sa mga nasa grades 11 at 12 sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.


Ayon sa grupo, ang ganitong mga edad ay vulnerable pa sa matinding pressure gaya ng military training.

Sinabi pa ng grupo na mismong mga eksperto na ang nagsabi  sa pagsasailalim sa militarist course ng mga nasa senior high school ay magdudulot ng pinsala sa ugali ng mga bata.

Facebook Comments