Inihayag ng Palasyo ng Malcanang na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng China na magkaroon na ng Closure sa issue ng pag-bangga ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ginagatasan lamang ng mga kalaban ni Pangulong Duterte ang issue at pinapalaki lamang ito kaya kailangan na itong matapos.
Sinabi naman aniya ni Chinese Ambassador to Philippines Zhao Jianhua na gusto narin nila na matapos ang usapin.
Paliwanag ni Panelo, parehong panig na ang gustong matigil ang issue dahil nakakaapekto na ito sa rekalsyon ng dalwang bansa.
Sinabi din ni Panelo na pumayag narin si Pangulong Duterte na huwag nang magkaroon ng 3rd party para tuldukan ang issue sa recto bank at makipagusap na lamang sa China ukol dito.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang makuha ang assurance ng China na magtitiyak sa karapatan at kaligtasan ng mga pilipinong nangingisda sa mga disputed territory sa South China Sea.