GSIS President nagsumite ng resignation letter kay Pangulong Duterte

 

Nagbitiw na sa posisyon si GSIS President and General Manager Jesus Aranas.

 

Sa impormasyong natanggap ng Malacanang press corps ay nagsumite ng resignation letter si Aranas kay Pangulong Duterte ngayong araw.

 

Sa liham nito ay iginigiit nito na isinulong niya ang interest ng mga miyembro ng GSIS at sumunod aniya siya sa lahat ng umiiral na batas at kahit minsan aniya ay hindi nakompromiso ang kanyang integridad at ang GSIS.


 

Wala namang nakasaad na dahilan sa kanyang resignation letter kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

 

Wala pa namang impormasyon na inilalabas ang Malacanang kung nabasa na ba ni Pangulong Duterte ang resignation letter ni Aranas.

Facebook Comments