Pilipinas at China, lumagda ng Memorandum of Understanding kaugnay sa kooperasyon ng dalawang bansa

Manila, Philippines – Lumagda ang Pilipinas at China sa Memorandum of Understanding na may layuning mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Partikular na lumagda sa kasunduan sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Tiniyak ni Chinese Foreign Minister Wang – ang suporta ng China sa mga proyekto ng Duterte administration gayundin ang paglaban sa iligal na droga, kahirapan, insurgency at terorismo.


Suportado rin ng Tsina ang pagkakaroon ng stability sa South China Sea.

Inimbitahan naman ni Cayetano si Minister Wang sa ASEAN meeting sa bansa sa susunod na buwan.

Habang inaasahang bibisita sa Pilipinas sa nobyembre si Chinese Premier Li Keqiang.

Facebook Comments