Nakatakdang mag-usap ang Pilipinas at China sa June 2 para talakayin ang kompensasyon para sa may-ari at tripulante ng nasirang fishing vessel na Gem-Vir 1.
Ang Gem-Vir 1 ay lumubog noong June 9, 2019 matapos banggain ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank sa West Philippines Sea.
Umalis lamang noon gang Chinese fishing vessel at iniwang palutang-lutang sa dagat ang mga Pilipinong mangingisda hanggang sila ay masagip.
Ang may-ari at crew members ng Pinoy fishing vessel ay humihingi ng ₱12 million bilang kompensasyon sa insidente.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, bumuo na ng team ang pamahalaan na siyang lalahok sa pag-uusap nito sa Chinese government.
Ang Philippine Team ay pangungunahan ng mga miyembro ng DOJ, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Agriculture (DA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).