Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong ang Pilipinas at China sa buwan ng Mayo upang pag-usapan ang isyu sa South China sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – sinabi ni Ambassador Zhao Jianhua na nasasabik na rin ang China sa magaganap na unang pagpupulong tungkol sa bilateral mechanism sa South China sea.
Sa pamamagitan kasi ng nasabing bilateral mechanism, makakabuo ng “mutual trust” at maritime cooperation ang dalawang bansa upang maiwasan na ang hindi pagkakaintindihan tungkol sa teritoryo sa rehiyon.
Una na ring ipinahayag ni Zhao na determinado ang China na makipagtulungan sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations sa pagbuo ng code of conduct framework kaugnay sa South China sea.
Bukod sa South China sea, posibleng pag-usapan din sa pulong ang mga infrastructure project at anti-poverty programs na maipapatupad at makukumpleto sa termino ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments