Magkakaroon ng konsultasyon ang Pilipinas at China sa Marso 23 hanggang Marso 24.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagpupulong ay bahagi ng implementasyon ng mga resulta ng state visit sa Tsina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Enero.
Ilan sa mga paksa na matatalakay sa dalawang mekanismo ay ang ukol sa maritime issues, ekonomiya, seguridad at regional matters.
Sinabi ng DFA na pinag-aaralan ng Foreign Ministry Consultations (FMC) ang pangkalahatang relasyon at lahat ng aspeto ng kooperasyon.
Sakop ng Bilateral Consultations Mechanism (BCM) ang maritime issues gaya ng developments sa West Philippine Sea at mga usapin sa mga possible maritime cooperation at confidence-building.
Si DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro ang mangunguna sa delegasyon ng Pilipinas habang ang China ay pangungunahan ni Vice Foreign Minister Sun Weidong.