PMSgt. Mayo, sinibak na sa serbisyo

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Si Mayo ay matatandaang nahulihan ng halos isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P7 billion sa pagmamay-ari nitong lending shop sa Maynila.

Ayon kay Azurin, idinaan sa tamang proseso ang dismissal order laban kay Mayo na miyembro ng intelligence officer PNP-Drug Enforcement Group.


Nabatid na ipinatapon na noong 2016 si Mayo sa Mindanao pero muli itong nakabalik sa PNP Headquarters kung saan naging intel officer pa ito ng Drug Enforcement Group.

Facebook Comments