Pilipinas at China, naglabas ng joint statement kaugnay ng isinasagawang Bilateral Consultation Mechanism

Manila, Philippines – Naglabas ng joint statement ang Pilipinas at ang China kaugnay ng isinasagawang Bilateral Consultation Mechanism.

Batay sa joint statement, diretsahan pero maayos na nakapagpalitan ng opinyon ang magkabilang panig hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.

Napagkasunduan rin ng Pilipinas at China na magpatuloy ang mga pag-uusap sa confidence building ng dalawang bansa.


Maliban rito, nagkaisa rin ang mga ito ng pagpigil sa mga aktibidad sa West Philippine Sea na posileng magpalala ng tensyon at makaapekto sa kapayapaan sa rehiyon.

Nagkaroon rin ng diskusyon sa mga hakbang kaugnay ng maritime corporation at posibleng pagbuo ng mga technical working group.
DZXL558

Facebook Comments