Nagpaabot ng simpatya ang Malacañang sa pagpanaw ni Prince Philip ng Britanya, asawa ni Queen Elizabeth II.
Si Royal Highness Prince Philip, Duke of Edinburg, ay pumanaw sa edad 99 at opisyal itong inanunsyo ng Buckingham Palace.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngalan ng sambayanang Pilipino, ipinapaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pakikiramay sa kay Majesty Queen Elizabeth II sa pagpanaw ng kanyang asawa.
Ang Pilipinas at United Kingdom ay mayroong matibay na bilateral cooperation at nagdadalamhati bansa para sa mga mamamayan ng Britanya.
Una nang nagpaabot ng pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa paglisan ni Prince Philip.
Samantala, ilang world leaders na nagbigay pugay kay Prince Philip.
Pinuri ni British Prime Minister Boris Johnson ang extraordinary life ni Prince Philip at nakuha nito ang pagmamahal ng mga henerasyon mula iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sinabi naman ni US President Joe Biden, si Prince Philip ay isang ‘selfless servant’ ng Britanya at sa mga mamamayan nito.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Irish Prime Minister Micheal Martin sa buong mamamayan ng United Kingdom.
Ipinag-utos naman ni Australia Prime Minister Scott Morrison na ibaba sa half-mast ang kanilang mga watawat para pagluluksa.
Ikinalungkot din nina King Philippe at Queen Mathilde ng Belgium ang pagpanaw ni Prince Philip.
Para naman kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, taong may paninindigan si Prince Philip.
Nagpaabot din ng pakikiramay si European Commission Head Ursula Von der Leyen.
Ayon naman kay French President Emmanuel Macron, namuhay si Prince Philip na magiting, may sense of duty, at may commitment sa mga kabataan at kalikasan.
Sinabi naman ni Germany Chancellor Angela Merkel na hindi nila makakalimutan ang pagiging straightforward ni Prince Philip.
Binanggit naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang hindi matatawagang serbisyo sa militar ni Prince Philip at mga inisyatibo nito sa mga komunidad.
Inalala naman ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagdating ni Prince Philip sa kanilang bansa noong 1994, na unang British Royal na bumisita sa kanila.
Isang ‘great man’ si Prince Philip para kay Kenyan President Uhuru Kenyatta at sumisimbulo siya ng family values at pagkakaisa ng mamamayan ng Britanya at ng global community.
Sinabi naman ni Pakistan Prime Minister Imran Khan na nawalan ang Britanya ng isang matalinong lider na mayroong “unique spirit” sa pagseserbisyo sa publiko.
Pinuri ni Italian President Sergio Mattarella ang dedikasyon ni Prince Philip sa kanyang bansa at patuloy nilang kikilalanin ang kanyang pagkamangha sa artistic at cultural heritage ng kanilang bansa.
Hiling naman ni Russian President Vladimir Putin kay Queen Elizabeth II na magpakatatag sa harap ng pagkawala ng kanyang asawa.
Ayon naman kay Swedish King Carl XVI Gustaf na isang mabuting kaibigan sa kanilang pamilya si Prince Philip at mananatiling inspirasyon sa kanila ang kanyang serbisyo.
Sinabi naman nina Dutch King Willem-Alexander, Queen Maxima at Princess Beatrix ng The Netherlands na nanatiling tapat si Prince Philip sa kanyang mga kababayan at sa kanyang tungkulin.
Pinuri nina King Felipe VI at Queen Letizia ng Spain ang “sense of service” at dedikasyon ni Prince Philip.
Nagpaabot din ng pakikiramay sa Royal Family at sa UK si Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Para kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, dapat magsilbing ehemplo sa mga susunod na henerasyon ang buhay ni Prince Philip.