Pilipinas at iba pang bansa sa Asya, makakatanggap ng 7 million vaccine donation ng US

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na makikinabang sa 7 million doses mula sa unang tranche ng COVID-19 vaccines na donasyon ng Estados Unidos.

Nabatid na plano ng US na mag-donate ng 80 million vaccine doses sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula sa katapusan ng Hunyo.

Batay sa fact sheet mula sa White House, unang ilalabas ay ang 25 million doses at 19 million nito ay idadaan sa COVAX facility.


Ang COVAX ay magbibigay ng 7 million doses sa sumusunod na bansa sa Asya:

1. Philippines
2. India
3. Nepal
4. Bangladesh
5. Pakistan
6. Sri Lanka
7. Afghanistan
8. Maldives
9. Malaysia
10. Vietnam
11. Indonesia
12. Thailand
13. Laos
14. Papua New Guinea
15. Taiwan
16. the Pacific Islands

Magbibigay ang COVAX ng 6 million doses sa South at Central America, at 5 million doses sa Africa.

Ang natitirang 6 million doses mula sa first tranche ay direktang ibibigay ng US sa regional priorities at partner recipients at mga lugar kung saan nagkakaroon ng surge, kabilang ang West Bank at Gaza.

Facebook Comments