Pilipinas at Iraq, maghaharap na mamaya sa FIBA Asia cup

FIBA – Determinado ang Gilas Pilipinas na mapapatumba nila ang Iraq mamayang alas-9:00 ng gabi sa nagpapatuloy na 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Ito’y matapos nilang pabagsakin ang defending champ na China noong Miyerkules sa iskor na 96-87.

Matatandaang humataw si Terrence Romeo ng 26 points, ang walo dito ay kanyang hinugot sa huling tatlong minuto ng fourth quarter.


Ipaparada naman ng Iraq sina 6’10’’ Ali Hameed, 6’9’’ Mohammed Al-Khafaji at 6’9’’ Hussein Hasan Algburi.

Kung masusungkit ng Gilas ang tatlong panalo sa Group B ay aabante sila sa final eight.

Facebook Comments