Pilipinas at Japan, muling nagkasundo na mas palalakasin ang relasyon sa ginanap na ASEAN Summit sa Cambodia

Nagkausap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na mas palalakasin pa ang kanilang partnership.

Ang dalawa ay nagkausap sa sidelines ng ASEAN Plus Three Summit sa Phonm Penh, Cambodia.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Kishida na siya ay natutuwa sa naging pag-uusap nila ni Pangulong Marcos sa New York City noong Setyembre.


Umaasa si Kishida na mas magiging maganda ang kooperasyon ng ASEAN at Japan lalo’t sa susunod na taon ay ipagdiriwang ang ika-50 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Japan at ASEAN.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos kay Kishida na lahat ng usapin o ideya na kanilang natalakay ni Prime Minister Kishida sa New York City ay panimula para sa economic stability at ito ay kanilang ipagpapatuloy.

Sinabi rin ni Marcos Jr. kay Kishida na hanggat may pagkakaisa sila ay lahat ng plano o pangarap ay makakamit.

Sa ngayon wala pang petsa kung kelan ang gagawing state visit ng Pangulong Marcos sa bansang Japan.

Ang Japan ang isa sa mga partner ng bansa sa disaster management, COVID-19 response at infrastructure development.

Facebook Comments