Pilipinas at Japan, pumirma ng ilang kasunduan

Ilang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sa pulong sa Davao City, nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin at Japanese Foreign Minister Taro Kano ang bilateral agreement sa pagpopondo ng Japan sa road network development project sa Mindanao.

Sa ilalim nito, maaaring maka-utang ang Pilipinas sa Japan ng 202 million dollar para sa pagpapatayo ng mga daanan sa mga lugar na apektado ng gulo sa Mindanao.


Ayon kay Locsin, layon ng road development projects na bigyan ng madaling access ang mga residente sa mga ospital at paaralan.

Sabi naman ng Japanese envoy na nais nitong makapag-ambag sa road network para suportahan ang buhay ng mga tao sa Mindanao.

Si Kano ay nasa bansa para sa kaniyang 3-day visit para sa inagurasyon ng Japanese Consulate General sa Davao.

Facebook Comments