Pilipinas at New Zealand, nagkasundong mas magtutulungan pa sa usaping kalakalan, renewable energy, agricultural at workforce development

Nagkasundo ang Pilipinas at ang gobyerno ng New Zealand na mas magtutulungan upang mapaganda pa ang kalakalan, renewable energy, agricultural at workforce development maging upskilling ng bawat bansa.

Nangyari ang kasunduang ito sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Ministers Responsible for Trade o MRT meeting nitong May 26, 2023 sa Detroit USA.

Dumalo sa panig ng Pilipinas si Department of Trade Industry (DTI) Alfred Pascual at panig ng New Zealand na si New Zealand—Minister Damien O’Connor.


Kaugnay nito, kinilala naman ng gobyerno ang kahalagahan ng kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa News Zealand na malaking tulong sa pag-angat ng eknonomiya ng bansa.

Sa sidelines, hinikayat ng New Zealand ang Pilipinas na dumalo sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership o CPTPP.

Ayon naman kay Pascual, hinihimok nito ang New Zealand na maglagak nang mas maraming negosyo dito sa Pilipinas at ibahagi ang kanilang expertise sa renewable at clean energy lalo’t ang New Zealand ay nagsisimula na sa carbon neutrality at may access sa advanced geothermal technology.

Facebook Comments