Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang isang bagong nilagdaang air services agreement na magdodoble ng mga pampasaherong flight sa pagitan ng Pilipinas at Turkey.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang deal ay higit na ipoposisyon ang Pilipinas bilang isang perpektong destinasyon para sa international travelers.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Frasco na tinukoy ng DOT ang pagpapabuti ng koneksyon bilang isa sa mga pangunahing layunin nito upang palakasin ang industriya ng turismo.
Aniya, ang airline na flag carrier ng Turkey, ay naging longtime partner ng Manila sa paglilingkod sa European at Mediterranean source markets sa bansa.
Nauna nang nilagdaan ni Transportation Undersecretary Roberto Lim at Turkish Civil Aviation acting Director General Dr. Kemal Yüksek ang isang memorandum of understanding (MOU) na nagpapahusay sa bilateral air services regime sa pagitan ng Pilipinas at Turkey pagkatapos ng air consultations sa pagitan ng Philippine at Turkish Air Panels noong Marso 2023.
Ang naturang air talks ay nagresulta sa pagdodoble ng passenger air service entitlements para sa Pilipinas at Turkey sa rutang Manila-Istanbul.