Pilipinas at Turkey, lumagda sa isang kasunduan

Manila, Philippines – Sa ginanap na 4th Philippines -Turkey political consultations, nangako ang dalawang panig na ipagpatuloy ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan na magpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.

Pinangunahan ni Undersecretary for Policy Enrique Manalo ang Philippine delegation, habang ang Turkish delegation ay pinangunahan ni Deputy Undersecretary Umit Yardim.

Ang dalawang bansa ay nagpahayag din ng kahandaan na pumirma sa Protocol for Cooperation sa field ng Higher Education at ang paglagda sa isang memorandum of understanding sa Tourism Cooperation at Declaration of Intent (DOI) sa Defense Cooperation.


Matatandaan, unang nangako ang magkabilang panig noong Agosto 2017 na palakasin ang pakikipagtulungan laban sa internasyunal na terorismo, lalo na sa pamamagitan ng pinahusay na pakikipagtulungan sa pagitan ng PH at Turkish security at intelligence officials.

Pinasalamatan din ni Undersecretary Manalo ang Turkey para sa aktibo nitong suporta sa peace process at interes nito na makibahagi sa rehabilitasyon ng Marawi at kalapit komunidad.

Facebook Comments