Palalakasin pa ng Pilipinas katuwang ang United Nations para imbestigahan ang human rights violation sa bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng tatlong taong programa.
Ito ay matapos pagtibayin ang UN Joint Program on Human Rights (UNJP) na magpapatupad ng human rights-based approaches laban sa terorismo at bubuo ng lugar para sa human rights concerns gamit ang angkop na mekanismo.
Ang UNJP ay nabuo sa pamamagitan ng mga malalimang konsultasyon sa pagitan ng Maynila at iba pang ahensiya ng UN kung saan nagkaroon din ng partisipasyon ang Commission on Human Rights (CHR) at iba pang civil society groups sa proseso.
Pinasalamatan naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawa ni UN Resident Coordinator (UNRC) Gustavo Gonzalez, Department of Justice (DOJ), iba pang lead government agencies at stakeholders.