Pilipinas at US, patuloy ang talakayan sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa pagdepensa sa West Philippine Sea

Nasa proseso ang maraming assessements at pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos para mapagbuti ang kakayahan ng bansa at koordinasyon sa Amerika.

Ito’y sa harap ng nagpapatuloy at lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., saklaw ng talakayan hindi lang ang usaping pang-seguridad sa halip maging ang may kinalaman sa ekonomiya.


Para sa pangulo, hindi magiging malakas ang isang bansa o hindi kayang ipagtanggol ang sarili kapag mahina ang ekonomiya.

Dahil dito ayon sa pangulo kasama na rin sa mga bagong commitments na nakuha ng Pilipinas sa United Stated (US) ang may kinalaman sa pamumuhunan kabilang ang Public Private Partnership (PPP).

Binanggit din ng pangulo na sa katunayan naiwan pa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner sa Amerika para tapusin ang detalye ng mga nasimulang pag-uusap.

Kasama ni Pangulong Marcos Jr., sina Brawner at National Security Adviser Eduardo Año nang bumisita sa US Indo-Pacific Command sa Honolulu, Hawaii.

Facebook Comments