Noche Buena price guide, ilalabas na bukas – DTI

Ilalabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena items bukas.

Ibang-iba umano ito kumpara sa price guide noong mga nakaraang taon at naka-higlight din umano ang mga presyo ng mga items na hindi tumaas.

Out of 240, nasa 34 Stock Keeping Unit (SKU) ang walang pagbabago, habang nasa 21 SKU ang bumaba ang presyo.


Iginiit din ng DTI na nasa 1-5% lamang ang tumaas sa mga Noche Buena item ang mararamdaman ngayong holiday season at masasakop nito ang presyuhan hanggang Dec. 31,2023.

Ayon pa sa DTI, kinausap na umano nila ang mga manufacturers maging sa mga retailers para maayos ang paglatag ng mga presyo at ma-monitor ang price guide na inilaan para hindi mabigatan ang mga mamimili.

Facebook Comments