Ang Pilipinas ay naging “official dumping site” – Lacson

Pinahayag ni Senator Panfilo Lacson na “official dumping site” ang Pilipinas dahil sa mga bansang nagdala ng basura dito sa bansa tulad ng Canada at Australia.

Dinagdag niya ring kasama ang mga bansang Hongkong at South Korea.

Ayon sa kaniya, dapat kumilos ang Bureau of Customs dito at gawan ng aksiyon.


“To say that our country is treated like trash appears to be true, as in literally, amid news reports of tons of waste being illegally shipped into our lands, no thanks to local and foreign smugglers, unscrupulous Customs brokers and corrupt Customs officials,” pahayag ni Lacson.

Nauna na ring pinahayag ni Forreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. na ibabalik sa Canada ang basurang dinala sa bansa sa Mayo 30.

Sinabi niya ring bulag ang Customs sa mga nangyayaring ito na dapat ay “gatekeeper of our borders.”

“Sad but true, there is already a bandwagon of nations that designate our country as the official dumpsite of Southeast Asia,” dagdag niya.

Facebook Comments