Nabigo ang Philippine Women’s Floorball Team laban sa Thailand 6-3, sa kanilang ikalawang laro sa Southeast Asian Games na ginanap sa UP College of Human Kinetics Gymnasium.
Kasunod nito, naging “goalless draw” naman ang resulta ng paghaharap ng Philippine Women’s Football Team laban sa Myanmar na ginanap sa Biñan Football Stadium sa Laguna.
Samantala, draw din ang naging resulta ng paghaharap ng Philippine Men’s Water Polo Team laban sa Indonesia nang magtapos ito 6-6.
Tinambakan naman ng Malaysia ang Philippine Women’s Netball Team – 89-25 kung saan sa first quarter pa lamang ng laro ay mayroon nang 23-7 lead ang Malaysia.
Ang netball ay isang sport na halos katulad sa basketball kung saan ang pinagkaiba lamang ay wala itong backboard at walang dribbling.