White House, isinailalim sa pansamantalang lockdown

Isinailalim sa pansamantalang lockdown ang White House matapos mai-report na may nakapasok na aircraft sa restricted airspace sa Washington, USA.

Kasunod nito, agad na nag-deploy ng mga jet ang national security officials upang ma-monitor ang sitwasyon.

Ayon sa Pentagon, lumabas na nagkaroon lamang ng problema sa radar at wala ding nakitang sinasabing aircraft.


Idineklara namang cleared at inalis na ang naturang lockdown makalipas lamang ang 45 minuto.

Facebook Comments