Muling sinayang ng Pilipinas ang pagkakataon para makakuha sana ng supply ng mga ginagamit sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., nasa 50 million syringes o hininggilya ang maaari nating makuha.
Sinabi ni Locsin na nasa 4.7 sentimo ang iniaalok ng Department of Health sa kada isang hiringgilya na malayong malayo sa pinakamababang presyo na 7 sentimos.
Bago niyan, sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje na sapat ang supply ng hiringgilya para sa COVID-19 vaccines hanggang matapos ang taon.
Matatandaang Disyembre din noong nakaraang taon nang ibunyag ni Locsin na sinayang ng Pilipinas ang pagkakataon na makakuha ng 10 million doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer na darating sana sa bansa nitong Enero.