Pilipinas, binalaan ni Mike Pompeo laban sa isang Chinese telecom equipment maker

Binalaan ni US Secretary of State Mike Pompeo ang Duterte administration maging ang mga telecom firm sa bansa sa security risks na dulot ng paggamit sa Huawei products.

Nabatid na sa Amerika ay hindi pinayagan ang pagpasok ng mga produktong gawa ng Huawei dahil sa isyu ng national security.

Ayon kay Pompeo, posibleng magkaroon ng isyu sa negosyo ang ilang American companies sa bansa dahil sa paggamit ng ilang lokal na telcos ng 5G gear mula sa Chinese telecom equipment maker na Huawei.


Nauna nang inakusahan ng US State Department ang Huawei ng pagbibigay ng mga pribadong impormasyon sa Chinese government bagay na ilang beses nang itinanggi ng nasabing kumpanya.

Facebook Comments