Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na bird flu-free na ang Pilipinas.
Batay sa report ng Bureau of Animal Industry (BAI), idineklara na ng World Organizaton for Animal Health noong January 8 na nawala na ang banta ng natitirang strain ng A(H5N6) strain ng Avian Influenza.
Kasunod naman ito nang matagumpay na pagresolba sa bird flu sa isang commercial layer poultry farm sa Pampanga at sa pagsulpot nito sa mga backyard poultry farms sa Rizal.
Itinuturing naman ito ni Agriculture secretary William D. Dar na isang welcome development lalupat umaasa ang publiko sa poultry meat ngayong may kakulangan ng suplay sa pork meat na dulot naman ng African Swine fever.
Facebook Comments