Pilipinas – bubuksan na sa lahat ng foreign tourist simula sa April 1!

Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na welcome na muli sa lahat ng banyagang turista ang Pilipinas simula April 1, 2022 kasunod ng pagbubukas muli ng turismo sa bansa.

Ayon sa kalihim, tanging mga fully vaccinated na turista lamang mula sa visa-free countries ang papayagan na pumasok sa bansa kasabay ng pagpapakita ng negatibong RT-PCR test results 48 oras bago ang biyahe.

Gayundin ang requirement para sa mga visa countries ngunit may option na magpresenta ng negatibong laboratory-based antigen result 24 oras bago ang departure.


Mababatid na nagsimulang tumanggap ang Pilipinas ng business and leisure travelers mula sa 157 visa-free countries noong February 10.

As of March 15, nakapagtala ang tourism department ng mahigit 96,000 turista na dumayo sa bansa.

Samantala, sinabi rin Puyat na nag-aalok ang bansa ng libreng COVID-19 booster shot sa mga japanese tourist dahil ayon sa kalihim ay kamakailan lamang nagsimula ang COVID-19 booster shot program sa Japan.

Facebook Comments