Pilipinas, bukas na dumulog sa International Mapping Agency hinggil sa pagpapangalan ng China sa undersea features ng Philippine Rise

Manila, Philippines – “Noted” ito ang naging tugon ng China nang idulog ng Pilipinas ang isyu hinggil sa pagpapangalan sa limang underwater features sa Benham o Philippine Rise.

Pero ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, kukunin muna nila ang nasabing report lalo’t may mga nakatakda pang code of conduct meetings.

Giit ni Esperon, bukas naman ang Pilipinas na dumulog sa international mapping agency ng united nations hinggil rito pero hindi pa ito prayoridad ng gobyerno.


Aniya, dapat tanggapin ng Pilipinas na nagbabago na ang balance of power sa rehiyon at may ibang bansa ang umuusbong na bilang bagong global powers.

Una nang inamin ni Esperon sa pagdinig sa senado na nagsagawa na ng hindi otorisadong pag-aaral ang China sa Philippine Rise noong taong 2014.

Facebook Comments