Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na bukas sila sa clinical trials ng mga bakuna na galing sa iba pang bansa.
Ito ay kahit nag-alok na ang Russia sa bansa ng kanilang developed vaccine na “Sputnik V” laban sa COVID-19.
Ayon kay DOST Undersecretary at Chairperson ng Sub-Technical Working Group on Vaccine Development Rowena Cristina Guevarra, nakikipag-usap din sila sa iba pang bansa kabilang ang Estados Unidos, Australia at iba pang bansa sa Europe.
Inatasan din sila na i-review ang mga rekomendasyon ng vaccine expert panel hinggil sa posibleng kolaborasyon para sa COVID-19 vaccine clinical trials.
Una nang sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ang Pilipinas ay nag-commit sa Solidarity Trial for Vaccine ng World Health Organization (WHO) partikular sa clinical trials Phase 3 ng apat o limang bakuna na nag-pre-qualify.