Bumaba ng isang pwesto ang Pilipinas pagdating sa gender equality pero nananatiling top performing Asian Country.
Ito ay batay sa Global Gender Report 2021 ng World Economic Forum (WEF).
Lumabas sa report na nakakuha ng Pilipinas ng 78.4% sa overall gender gap o katumbas ng rank 17th mula sa 156 countries.
Ang Pilipinas ay rank 18th sa economic participation, 33rd sa political empowerment, 34th sa health and survival at 39th sa educational attainment.
Kabilang ang bansa sa 18 iba pang bansa sa mundo na nakakuha ng halos 80% sa economic participation at opportunity gaps.
Kulelat naman ang Pilipinas pagdating sa political empowerment na mayroon lamang 36.2%.
Binigyang diin ng report na kailangang itaas ang partisipasyon ng mga kababaihan sa labor force dahil nasa 49.1% ng mga babae lamang ang nasa job market na mayroong gap closure na nasa 65.3%.
Isa rin sa kailangang tugunan ay ang income na may 31% gap at 22% naman ang wage gap.