Pilipinas, bumaba na sa moderate risk classification ng COVID-19

Bumaba na sa moderate risk classification ang estado ng Pilipinas dulot ng epekto ng COVID-19.

Ito ay matapos bumaba sa -4% ang 2-week growth rate o bilang ng mga nagkasakit nitong nakaraang dalawang linggo.

Nasa magandang kalagayan naman ang bed utilization rate sa Pilipinas sa kabila ng pagiging high risk pa rin ng Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.


Sa bilang ng mga kaso, mahigit 2,000 ang nabawas sa average cases ng COVID-19 kada araw nitong nakaraang linggo kumpara noong September 13 hanggang 19.

Nabatid na sa National Capital Region (NCR) nakikita ang malaking pagbaba ng bilang ng mga nagkakasakit kung saan nasa -13% na rin ang growth rate ng rehiyon.

Facebook Comments