Manila, Philippines – Nagsalita na si dating Pangulong Noynoy Aquino mula sa kanyang pananahimik sa tila pagbalik ng Pilipinas sa panahon ng batas militar.
Sa kanyang talumpati sa ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nitong Sabado (February 23) partikular na tinukoy ni Aquino ang pagbabalik ng Department of Human Settlements na pinamunuan noon ni dating first lady Imelda Marcos at ang mungkahing pagbabago sa pangalan ng Pilipinas na iminungkahi naman noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Aquino ang publiko sa darating na eleksyon na maging mapanuri at huwag basta-basta magpapa-uto.
At sa halip aniya na umasenso ang Pilipinas ay tila paatras pa ang pag-unlad nito dahil sa mataas na inflation rate.
Kasabay nito ay sinagot din ng dating pangulo ang isyu sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
At dagdag pa nito na noong panahon niya, tiniyak niyang lalabanan ng Pilipinas ang pang-aabuso ng China.