Pilipinas, bumida sa unang araw ng Sea Games matapos maghakot ng higit 40 medalya

Ipinamalas agad ng mga atletang Pilipino ang husay at galing sa unang araw ng 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos tumabo ng kabuoang 23-gintong medalya sa unang araw ng Biennial Meet.

Ang unang ginto ng Pilipinas ay nasungkit ni John Chicano sa Men’s Triathlon na sinundan ni Kim Remolina na nakuha ang Silver Medal nang magtapos sa ikalawang pwesto.


Sinunan ito ng Filipina Triathletes na sina Kim Mangrobang na nakuha ang Gold Medal at Kim Kilgroe nang makamit ang Silver Medal.

Inuwi ni World Champion Carlos Yulo ang gintong medalya matapos ipakita ang natatanging performance sa Men’s All-Around Artistic Gymnastics Individual Event.

Dalawang Gintong Medalya ang inuwi ng ating Men’s and Women’s Team sa Sepak Takraw.

Nagawang madepensahan ni Agatha Wong ang kanyang titulo sa Wushu at nakamit ang Gintong Medalya.

Naghakot ang Pilipinas ng Gintong Medalya sa Danceport, limang medalya sa Standard Dances at lima sa Latin Dance, na may kabuoang 10 Gintong Medalya.

Lumambat din ang Pilipinas ng ginto sa Arnis, sa pamamagitan nina Mike Bañares sa Welterweight Division, Dexler Bolambao (Bantamweight), Niño Mark Talledo (Featherweight), at Villardo Cunamay (Lightweight).

Sa Women’s Competition, naiuwi ni Jezebel Morcillo ang ginto sa Bantamweight Division.

Gintong medalya rin ang inuwi ni Jan Emmanuel Garcia sa individual Online Chess.

Si Estie Gay Liwanen ay may Gintong Medalya matapos manalo sa Kurash Women’s 63 Kilogram Division.

Facebook Comments