Pilipinas, bumotong pabor sa pagkondena sa pananakop ng Russia sa Ukraine

Bumoto ang Pilipinas na pabor sa resolusyon ng United Nations General Assembly na kumokondena sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Sa special emergency session ng UN General Assembly, umapela ang delegasyon ng Pilipinas na protektahan ang mga sibilyan at igitil na ang labanan.

Bago nito, nagdesisyon ang Russia na i-veto ang security council resolution na kumokondena sa kanilang pananakop at ang panawagan na umatras na ang kanilang mga sundalo na nasa Ukraine.


Ito ang unang UN General Assembly Emergency special session na isinagawa mula noong 1982.

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mananatiling neutral ang Pilipinas sa isyu pero prayoridad ng pamahalaan sa ngayon na mapauwi ang mga Pilipinong apektado ng gulo.

Facebook Comments