13 Pilipino na lumikas sa Ukraine, inaasahang darating sa bansa ngayong araw

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang 13 Pilipino na lumikas mula sa Ukraine kasunod ng pananakop ng Russia.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ang mga ito ang sinundo mismo ni Foreign Secretary Teodoro Locsin sa border ng Poland at Ukraine at nasa biyahe na pauwi mula kagabi.

Samantala, may 26 pang Pilipino mula sa Moldova, Romania, Hungary at tripulanteng sakay ng MV S Breeze ang naghihintay ng repatriation.


Una nang nakauwi sa bansa ang anim na Pilipino habang ang ilan ay nag-aalinlangan pang umuwi dahil nakapag-asawa ng Ukrainian nationals.

Sabi pa ni Arriola, may mga OFW rin sa Kyiv na nagdesisyong lumikas kasama ng kanilang employers.

Facebook Comments