Pilipinas, dapat bumalik na bilang miyembro ng ICC

Hinikayat ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibalik ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

Giit ni Castro, hindi dapat nag-withdraw ang Pilipinas mula sa ICC na isang mahalagang institusyon sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao.

Mensahe ito ni Castro, kasunod ng pasya ng ICC na ituloy ang imbestigasyon sa kontrobersyal na “war on against drugs” sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Isang mabuting balita para kay Castro ang nasabing desisyon ng ICC.

Diin ni Castro, dapat matiyak na mananaig ang “rule of law” at ang hustisya ay maibibigay sa lahat.

Dagdag pa niya, mahalaga rin na mapanagot ang lahat ng responsable sa mga krimen.

Facebook Comments