Pilipinas, dapat maghain ulit ng panibagong arbitration case laban sa China

Dapat maghain ulit ang Pilipinas ng bagong arbitration case sa International Tribunal laban sa China.

Ito ang sinabi ni retired Supreme Court Associate Justice Francis Jardaleza, sa gitna ng patuloy na ginagawang harassment ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Si Jardaleza ang dating Solicitor General noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III at tumayong agent ng Pilipinas sa arbitral ruling laban sa China kung saan nanalo tayo noong 2016.


Ayon kay Jardaleza, ito ang tamang paraan para mapigilan ang China sa ginawang pambu-bully sa sarili nating teritoryo.

Kaugnay nito, dapat na rin aniyang managot ang gobyerno ng China sa mga nasirang yamang dagat sa bahagi ng Pilipinas.

Matatandaang paulit-ulit na hindi kinikilala ng China ang arbitration ruling ng pagkapanalo ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Facebook Comments