Manila, Philippines – Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na magkaisa at labanan ang iisang kalaban, ang terorismo.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng magkakasalungat na pananaw ng publiko sa idideklarang Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangang magkaisa ng mga Pilipino dahil ang paglaban sa terorismo ay laban ng lahat ng Pilipino.
Ngayon aniya ay kailangan isantabi ang pulitika na naghahati sa maraming Pilipino at panahon na para magkapit bisig upang maging mas malakas sa paglaban sa terorismo na humahamon sa ating kalayaan.
Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, hindi dapat payagan ng mga Pilipino na manaig ang terorismo sa bansa upang hindi mangyari sa buong bansa ang nangyari sa Marawi City.
DZXL558, Deo de Guzman
Pilipinas, dapat magkaisa sa paglaban sa terorismo
Facebook Comments