Nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa gobyerno na agad magpatupad ng travel ban sa lahat ng mga bansang napasukan na ng bagong strain ng COVID-19 na napabalitang mula sa United Kingdom.
Sa ngayon kasi ay tanging sa mga byahe pa lang mula sa UK may ipinapatupad na travel ban ang Pilipinas.
Kinastigo rin ni Pangilinan ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na magpapatupad lamang ng travel ban kapag nagkaroon na ng local transmission ng nasabing bagong variant ng COVID-19.
Ipinaalala ni Pangilinan ang nangyari noong January na hindi agad nagpatupad ng travel ban sa mga biyahe mula sa China ang pamahalaan kaya nakapasok sa bansa ang COVID 19.
Giit ni Pangilinan, makakaasa lang tayo na magiging mas mabuti at mas malusog ang ating 2021 kung malinaw ang pag-iisip at pagsasalita ng mga namumuno sa pagsugpo ng COVID-19 sa ating bansa.