Pilipinas, dapat makipagtulungan sa ibang bansa laban sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros ang kahalagahan na makipagtulungan ang Pilipinas sa mga karating at kaalyadong bansa para maipaglaban ang ating teritoryo sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Pahayag ito ni Hontiveros makaraang sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi lalahok ang Pilipinas sa naval drills sa South China Sea kasama ang ibang bansa dahil ayaw nitong magalit ang Tsina.

Ayon kay Hontiveros, nirerespeto niya ang kalihim pero kailangang maipakita ng Pilipinas ang paninindigan laban sa pagiging agresibo ng China.


“Hindi tayo makakatayo laban sa Tsina nang mag-isa. Pero paano tayo makikiisa sa ibang mga bansa kung ayaw nating makitang kasama nila kung nakatingin ang Tsina? Ang mga polisiyang gaya nito ang nakakawala ng kumpyansa sa ibang bansa na makipag-ugnayan sa atin. Hindi tayo pagkakatiwalaan.

Dapat makipagtulungan na tayo sa mga karatig bansa. Ipakita natin sa ibang mga bansa, lalong-lalo na sa ating mga kakampi, na handa tayong makiisa sa kanila, at hindi tayo aatras sa anumang pagsakop ng Tsina sa ating mga teritoryo” pahayag ni Senator Hontiveros.

Facebook Comments